'Bakit kami lang ang iniimbestigahan?' - Jinggoy
MANILA, Philippines – Dismayado si Senador Jinggoy Estrada sa Commission on Audit, mga kapwa senador, at mga mamamahayag dahil sa umano’y pang-iipit na ginagawa sa kaniya at iba pang umano'y sangkot sa pork barrel scam.
Sa inabangang privilege speech ni Estrada ngayong Miyerkiles ay kinuwestiyon niya kung bakit silang tatlo lamang nina Juan Ponce Enrile, at Bong Revilla Jr., ang itinuturo sa pork barrel scam.
"Bakit kaming tatlo lang ang iniimbistigahan? There is a saying: selective justice is injustice," pahayag ni Estrada.
Inilarawan niya ang COA report na saklaw ang 2007-2009 bilang “incomplete†at “selective,†kung saan nabanggit ang 356 na kinatawan at 15 senador.
Pinuna rin ng senador kung bakit silang tatlo lamang nina Enrile at Revilla ang laman ng mga balita gayong aniya’y hindi lamang naman sila ang sangkot.
Nahaharap sa kasong pandarambong si Estrada, Revilla at Enrile gayun din ang itinuturong mastermind na si Janet Lim-Napoles sa Ombudsman.
- Latest
- Trending