MANILA, Philippines – Napatawad na ni John Prats ang soon to be daddy na si Jason Francisco matapos ang insidente sa taping ng isang show.
Sinabi ni John na bagama’t pinatawad na niya si Jason ay hindi pa naman sila nakakapag-usap ulit.
“Hindi pa kami nakapagusap, pero para sa akin naman, finorgive ko na 'yun. Parang okay na. Pero hindi pa kami nakapagusap,†pahayag niya nang makausap ng press sa taping ng “Banana Split†nitong kamakalawa.
Matatandaan na nitong Marso ay sumugod sa set ng Banana Split si Jason at biglang sinapak si John dahil umano’y binubully niya ang girlfriend na si Melai Cantiveros.
Napag-usapan ang sitwasyon ni John at Jason nang tanungin ang dating child star tungkol sa pagbubuntis ni Melai.
Sinabi ni John na nagulat siya nang marinig ang balita pero all in all ay masaya siya para sa katrabahong si Melai.
“Nagulat ako. Pero tulad ng sabi namin, happy ako for them. Mukha naman silang masaya. Happy naman si Melai, gusto naman nila 'yun,†banggit niya.
Dagdag ni John Pratts na lalong titibay ang relasyon ng MelaSon dahil sa baby.
“Kasi hindi lang silang dalawa ang iisipin nila. May iisipin na silang iba sa bawat desisyon na gagawin nila,†paliwanag niya.