MANILA, Philippines – Nakataas ang public storm signal no. 1 sa anim na lugar sa Hilagang Luzon dahil sa patuloy na paglakas ng bagyong “Odetteâ€, ayon sa state weather bureau ngayong Huwebes.
Namataan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) si Odette sa 630 kilometro silangan ng Tugegarao City bandang ala-5 ng umaga.
May lakas na 130 kilometers per hour (kph) ang bagyo at bugsong aabot sa 160 kph, habang gumagalaw ito sa bilis na 13 kph pa-kanluran.
"Odette has intensified further as it continues to move closer towards nothern Luzon," sabi ng PAGASA.
Apektado ng signal no.1 ang Batanes group of islands, Apayao, Isabela, Cagayan, including Calayan at Babuyan group of islands.
Makakaranas ng mahina hanggang paminsan-minsang malakas na buhos ng ulan na may pagkulog at pagkidlat ang Mimaropa at Western Visayas regions, maging ang probinsya ng Zambales at Bataan dahil palalakasin ni Odette ang hanging habagat.
Inaasahang nasa 370 kilometro silangan ng Aparri, Cagayan o 400 kilometro timog-silangan ng Basco, Batanes si Odette bukas.
Magiging maulap ang kalangitan sa Metro Manila, Visayas, at Zamboanga Peninsula na may mahina hanggang katamtamang pag-ulan.