MANILA, Philippines – Itinaas na ang public storm warning signal number one sa probinsya ng Cagayan dahil sa paglakas ng bagyong “Odette,†ayon sa state weather bureau ngayong Martes.
Namataan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang bagyo sa 820 kilometro silangan ng Tugegarao City kaninang alas-10 ng umaga.
May lakas na 65 kilometers per hour (kph) si Odette at bugsong aabot sa 80 kph, habang gumagalaw ito pa-kanluran sa bilis na pitong kilometro kada oras.
Apektado rin ng signal no. 1 ang Calayan at Babuyan group of Islands.
Sinabi ng PAGASA na palalakasin ni Odette ang hanging Habagat na magdadala ng mahina hanggang katamtamang pag-ulan na may pagkulog at kidlat sa kanluran at katimugang bahagi ng Luzon at Visayas.
Kaugnay na balita: Bagyong 'Odette' palalakasin ang Habagat
Nauna nang sinabi ni PAGASA weather forecaster Jori Loiz na mananatili ng tatlo hanggang apat na araw ang bagyo sa Philippine Area of Responsibility.