MANILA, Philippines - Dahil sa paunti na numinipis na bilang ng mga kabataang nakakatuntong sa kolehiyo, nais ng isang mambabatas na magkaroon na ng mandatory scholarship at tulong pinansiyal ang gobyerno sa mga "underprivileged students" sa bansa.
Inihain ni Quezon City Rep. Alfredo Vargas III ang House Bill 2351 upang makapagpatuloy sa kolehiyo ang mga mahihirap na nakapagtapos ng highschool.
Dagdag ng dating artista na walong porsiyento lamang ng mga nagtatapos sa highschool ang dumidiretso sa kolehiyo dahil sa kahirapan.
Layunin ng panukala ni Vargas na magkaroon ng iskolars na kahit limang porsiyento lamang ng kabuuang bilang ng mga estudyante sa bawat paaralan.
Sakop ng panukala ang pampubliko at pribadong paaralan, maging ang mga nag-aalok ng associate at baccalaureate degree.
Kung maipasa ay maglalaro sa 10 hanggang 90 porsiyento ang ibibigay na diskwento sa mga mapipiling iskloar ng bawat paaralan.