MANILA, Philippines –Gumagana na ang taktika ng gobyerno upang mapasuko ang mga miyembro ng Moro National Liberation Front (MNLF) na nanggugulo sa Zamboanga City.
Sinabi ni Lt. Col. Harold Cabunoc, pinuno ng 7th Civil Relations Group ng Armed Forces of the Philippines, na kinukulang na sa supply ng pagkain ang mga rebelde.
Hindi umaatake ang mga militar pero siniguro nilang pinalibutan nila ang ilang barangay na sinakop ng mga rebelde upang hindi sila makalabas at walang makapasok na mga tulong.
Samantala, pinabulaanan din ni Cabunoc ang ulat na may mga sumuko nang miyembro ng MNLF sa pamumuno ni Nur Misuari.
"Nobody among the armed intruders in Zambo surrendered. But, most of them are starving and hiding in fear behind hapless civilians," banggit ni Cabunoc.
Pinasinungalingan din ni Inspector Ariel Huesca, tagapagsalita ng Police Region Office 9 (Zamboanga Peninsula), ang ulat na may 80 rebelde na ang sumuko sa kanila.
Mula nitong Lunes ay hawak ng mga rebelde ang ilang barangay sa Zamboanga City kung saan may mga bihag din silang ginagawang “human shield.â€