Bihag na pari pinalaya ng MNLF

MANILA, Philippines - Isang pari na bihag ng Moro National Liberation Front (MNLF) ang pinalaya ngayong Biyernes ng umaga sa Zamboanga City, ayon sa mga awtoridad.

Sinabi ni City Police director Senior superintendent Jose Chiquito Malayo bandang 6:30 ng umaga pinalaya ng mga MNLF si Fr. Michael Ofana.

Nakasuot ng puting pantaas at maong na pantalon, pinalaya si Ofana sa sangandaan ng Lustre at Sta. Catalina na si Malayo mismo ang tumanggap.

Hindi naman nagpaunlak ng panayam ang pari, ayon kay Malayo.

Naiwan ni Ofana sa kamay ng mga rebelse ang kanyang ama at kapatid.

Nitong Lunes ay sinakop ng mga rebelde ang ilang barangay ng Zamboanga City.

Dahil sa kaguluhan ay apektado ang pasok sa paaralan at trabaho sa lungsod maging ang mga biyahe ng eroplano ay kanselado.

Kahapon ay sinabi ni Presidential Spokesperson Edwin Lacierda na kung hindi makukuha sa mapayapang usapan ay hindi magdadalawang isip ang gobyerno na gumamit ng buong puwersa laban sa mga rebelde sa pamumuno ni Nur Misuari.
 

Show comments