MANILA, Philippines – Naglabas ng mga larawan ang Palasyo ngayong Huwebes kung saan kasama ni Pangulong Benigno Aquino III si Janet Lim-Napoles at mga kamag-anak niya sa isang public event sa Cebu noong nakaraang taon.
Pero iginiit ni Presidential Communications Development and Strategic Planning Office Secretary Ricky Carandang na hindi kilala ni Aquino si Napoles.
"We're not hiding anything," pahayag ni Carandang said. "He doesn't know them personally."
Paliwanag niya na hindi naman porke't kasama ni Aquino si Napoles sa larawan ay ibig sabihin nito ay magkakilala sila.
Dagdag ni Carandang na hindi naman maaaring pigilan ang mga gustong magpakuha ng litrato sa Pangulo lalo na kung nasa public event.
"Mahirap gawin 'yon. That's not just limited to the President. When you go to a public event, 'pag 'di ka nagpa-picture, magagalit sila. A picture with someone does not mean that they're guilty," sabi ng kalihim.
Naglabas ng larawan ang Palasyo matapos kumalat ang isang litratong kasama ng Pangulo ang babaeng anak ni Napoles na si Jean.
Nitong kamakalawa ay sinabi ni Aquino na hindi niya kilala si Napoles.
Kaugnay na balita: Aquino hindi kilala si Napoles bago ang 'pork scam'
Si Napoles ang itinuturong masterming sa P10 bilyon pork barrel scam, kung saan kasabwat niya umano ang ilang mambabatas.
Kanina ay isiniwalat ng whistleblower na si Benhur Luy na 40% ang nakukuha ni Napoles, habang 50% ay sa mga senador na nagpapasok ng pondo.
Kaugnay na balita: 50% kinikita ng mga Senador sa pork scam - Luy