MANILA, Philippines – Walang balak umatras at sumuko ang paksyon ng Moro National Liberation Front (MNLF) na pinamumunuan ni Nur Misuari, ayon sa tagapagsalita ng grupo.
Sinabi pa ni Rev. Absalmom Cerveza ngayong Miyerkules na hindi na rin sila makikipagsundo sa gobyerno dahil masiyado nang matagal ang 35 taon.
"We have been speaking to the government for the last 35 years. And at the end of the day, this is what happened," pahayag ni Cerveza sa isang panayam sa telebisyon. "If you will talk about Misuari's surrender... no surrender, no retreat."
Pero nagpahiwatig din si Cerveza na hindi nila isinasara ang kanilang pintuan sa kung ano ang ikabubuti ng mas maraming tao.
"We are not keenly interested in negotiations," banggit ng tagapagsalita. "However, we are still human beings. We are still civilized people. And always there is a chance that we will listen to what is reasonable, what is beneficial, and what is to the best interest of our people."
Nitong Lunes ay nanggulo ang MNLF sa Zamboanga City na nagresulta sa pagkamatay ng apat na katao, habang higit 20 ang sugatan.
Sinakop ng mga rebelde ang ilang barangay sa lungsod kugnsaan may hawak silang higit-kumulang 180 bihag.
Dahil sa takot ay hanggang ngayon ay wala pa rin pasok sa mga paaralan at trabaho.
Kaugnay na balita: 228 na ang umanoy bihag ng mnlf sa Zamboanga
Samantala, sinabi ng gobyerno at ng the Moro Islamic Liberation Front (MILF) peace panels sa isang joint press statement na tutol sa Bangsamoro peace process ang mga rebelde nanggugulo sa Zamboanga City.
"Their actions intend to derail the process using violence and disinformation to spread fear and chaos in Mindanao," pahayag ng gobyerno at MILF.
Walang tigil-putukan
Nilinaw namna ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na walang ceasefire na naganap sa pagitan nila ng MNLF.
"There is no formal ceasefire contrary to some reports," pahayag ni AFP public information office chief Lt. Col. Ramon Zagala.
Sinabi pa ni Zagala na patuloy nilang paliligiran ang mga sinakop na lugar ng MNLF upang maiwasang may makatakas at mag responde sa mga rebelde.
"Our paramount concern is the safety of the civilians and for the movement we are hoping that the efforts of the crisis management center will result in the safe release of all the hostages.â€