MANILA, Philippines – Tumaas ang bilang ng mga walang trabaho sa Pilipinas, ayon sa gobyerno ngayong Martes.
Sinabi ni Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan, umakyat sa 7.3 porsiyento ang unemployment rate sa bansa nitong Hulyo 2013, mas mataas ng .3 porsiyento noong nakaraang taon.
Umakyat ang bilang ng mga walang trabaho sa kabila ng pagpalo ng magandang ekonomiya sa unang anim na buwan ng taon.
Pumalo sa 7.6 porsiyento ang gross domestic product sa first half ng 2013 na nagresulta sa 620,000 na mga bagong trabaho, ngunit hindi pa rin ito naging sapat sa makapal na populasyon ng Pilipinas.