Arraignment ni Napoles iniusog sa Setyembre 23

MANILA, Philippines – Iniusog ng Makati Regional Trial Court ngayong Biyernes ang pagbasa ng sakdal sa umano’y mastermind ng pork barrel scam na si Janet Lim-Napoles.

Sinabi ni Makati City Regional Trial Court Branch 150 Judge Elmo Alameda na hindi pa nila tapos ayusin ang ilang mga mosyon na inihain ng kampo ni Napoles.

Imbis na sa Setyembre 9, ay gagawin ang arraignment ni Napoles sa Setyembre 23 sa ganap na 1:30 ng hapon.

Nahaharap sa kasong serious illegal detention si Napoles matapos ikulong ang pork barrel scam whistleblower Benhur Luy.

Kasama sa inireklamo ni Luy ang kapatid ni Napoles na si Reynaldo Lim na hanggang ngayon ay nagtatago pa rin.

Kasalukuyang nakapiit si Napoles sa Fort Sto. Domingo sa Sta. Rosa, Laguna.

Show comments