^

Balita Ngayon

Diyarista utas sa pananambang sa Mindoro

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines  — Utas sa pananambang ang isang editor ng dyaryo sa Calapan City, Oriental Mindoro, ang ikalawang napaslang na mamahayag ngayong linggo.

Nakilala ang biktima na si Vergel Bico,41, editor ng dyaryong Kalahi, na huling nagsulat tungkol sa illegal gambling sa kanilang lugar.

Ayon sa mga pulis, dalawang tama ng bala sa ulo ang ikinasawi ni Bico nitong kamakalawa habang pauwi siya sakay ng kanyang motorsiklo.

Hindi pa malaman ang motibo ng pananambang pero hindi iniisantabi ng mga awtoridad ang anggulong may kinalaman ito sa kanyang trabaho.

"We are looking at suspected guns for hire here," pahayag ni D'Artagnan Katalbas hepe ng Calapan City police.

Samantala, patay din sa pananambang ang komentarista sa radyo na si Fernando Solijon sa Iligan City.

Sinabi ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) na panay ang tirada ni Solijon sa mga politiko sa kanilang lugar. Idinawit din niya ang isang kapitan ng barangay sa ilegal na droga

Dagdag ng NUJP na 160 mamahayag na ang nasawi mula noong 1986.

ARTAGNAN KATALBAS

AYON

BICO

CALAPAN CITY

DAGDAG

FERNANDO SOLIJON

ILIGAN CITY

NATIONAL UNION OF JOURNALISTS OF THE PHILIPPINES

ORIENTAL MINDORO

VERGEL BICO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with