^

Balita Ngayon

Sekyu na napagkamalang opisyal ng NPA, sumigaw ng hustisya

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hustisya ang sigaw ng security guard na pinagkamalang mataas na opisyal ng Communist Party of the Philippines ng mga pulis at militar.

Sinabi ni Rolly Panesa na hindi niya puwedeng palampasin na lamang ang pang-aabusong ginawa sa kanya ng mga awtoridad.

Dahil dito ay kinasuhan niya ang mga pulis at opisyal ng militar sa Deparment of Justice  (DOJ) ngayong Miyerkules upang makuha niya ang hustiysa hindi para lamang sa kanya ngunit pati na rin sa iba pang biktima ng misindentification.

"Hindi pwedeng tanggapin ko lang kung anong nangyari sa akin. Kailangang lumaban ako para makuha ang hustisya para sa akin at para sa ibang nakulong at natorture nang walang kasalanan katulad ko," pahayag ni Panesa.

Kasong paglabag sa Anti-Torture Act of 2009, Unlawful Arrest, Incriminatory Machination at Perjury ang kanyang isinampa sa DOJ laban sa mga awtoridad na nagpahirap umano sa kanya.

Kabilang sa kanyang mga inirereklamo ng Anti-Torture Law, at unlawful arrest  sina Maj. Gen. Alan Luga, dating Commanding Officer ng Southern Luzon Command ng Armed Forces of the Philippines; Maj. Gen. Eduardo Del Rosario, CO ng  2nd Infantry Division ng  Philippine Army; Police Chief Supt. James Andres Melad, dating Regional Director ng Philippine National Police Regional Office IV;  Police Senior Supt. Manuel Abu, hepe ng Regional Intelligence Office ng PNP Regional Office IV; Police Chief Inspector Reynaldo Mendoza ng  Regional Intelligence Office ng PNP Regional Office IV; Police Inspector Bonifacio Guevarra; SPO1 Cristopher Flores, PO2 Ariel dela Cruz, PO2 Joseph Fernandez, at PO1 Ellior de Lima.

Perjury naman ang kinakaharap ni Col. Generoso Bolina, tagapagsalita ng Southern Luzon Command, Luis Grajo Rayos, Micheal Rojo Alvarado, at Erwin Rosales.

Sinabi ng rights group na Karapatan na 11 buwan ikinulong ng mga inirereklamo si Panesa matapos mapagkamalang mataas na pinuno ng New People's Army. 

Noong nakaraang buwan ay nagbigay ng P5.6 milyon na pabuya si AFP Chief of Staff Gen. Emmanuel Bautista sa impormanteng kinilala si Panesa bilang si Benjamin Mendoza.

Nitong Agosto 29 ay kinatigan ng Court of Appeals ang petisyon ni Panesa na habeas corpus dahil aniya’y napagkamalan lamang siya.

"Nakilala ko sa kulungan ang maraming katulad ko na nakulong na wala namang kasalanan, katulad ng mga simpleng mag-uuling na napagkamalang NPA at hanggang ngayon ay nakakulong pa rin," sabi ni Panesa.

ALAN LUGA

ANTI-TORTURE ACT

ANTI-TORTURE LAW

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

BENJAMIN MENDOZA

CHIEF OF STAFF GEN

PANESA

REGIONAL INTELLIGENCE OFFICE

REGIONAL OFFICE

SOUTHERN LUZON COMMAND

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with