MANILA, Philippines – Dinepensahan ng dating mambabatas ngayong Lunes ang umano’y pagpapalit ng Priority Development Assistance Fund sa Kamara at sinabing karaniwan lamang ito sa kanila.
Sinabi ni Pangasinan Third District Rep. Ma. Rachel Arenas na karaniwan lamang ito sa kanilang mga kinatawan na pagpalitin ang kanilang mga “soft projects†tulad ng - fertilizers, medicines, pagpapaliga, scholarships – kapalit ng hard projects kabilang ang pagpapatayo ng mga impastraktura.
"There are lawmakers who prefer soft projects, while others, like myself, prefer hard projects which were then more beneficial for my district, and aimed to hasten development and and uplift the living conditions of my constituents," pahayag ni Arenas.
Naging matunog ang pangalan ni Arenas matapos luamabas sa website ng Department of Budget and Management na ginamit niya ang kanyang PDAF sa ibang lugar at hindi sa kanyang nasasakupan.
Nakasaad sa DBM na gumasta ng P15 milyon si Arenas sa probinsya ng Abra at sa lungsod ng Maynila noong nakaraang taon, habang P20 milyon naman sa Compostela Valley at sa Maynila nitong Enero.
"The swapping [Priority Development Assistance Fund] allocation is just one of the means by which big districts, such as ours, are able to maximize the limited PDAF allocation," paliwanag ng dating kinatawan.
Unang inamin ni Davao City Second District Rep. Mylene Garcia-Albano na nakipagpalita siya ng PDAF na nagkakahalaga ng P9.45 milyon sa kanyang biyenan na si Isabela Rep. Rodolfo Albano.
Pero iginiit ni Garcia-Albano na walang maanomalya sa kanilang gianwa dahil kapalit nito ay mga ibang proyekto para sa kanyang nasasakupan na pinondohan ni Albano at inaprubahan ni House Speaker Feliciano Belmonte, Jr.