MANILA, Philippines – Pinangalanan na ni Pangulong Benigno Aquino III ang uupong bagong pinuno ng Presidential Security Group (PSG) ngayong Biyernes.
Si dating senior military aide Navy Captain Raul Ubando ang papalit sa nabakanteng puwesto ni Brig. Gen. Mateo Dizon sa PSG matapos siyang magretiro.
Miyembro si Ubando ng Philippine Military Academy Class of 1985.
Si Aquino mismo ang mangunguna sa gagawing change of command ceremony mamaya sa PSG Grandstand sa Malacañang.