MANILA, Philippines – Kasama ng umano’y utak sa pork barrel scam na si Janet Lim-Napoles sa Makati City Jail ang dati niyang kasambay na inakusahan niyang nagnakaw ng underwear at jacket, ayon sa isang abogado ngayong Biyernes.
Nakilala ang naturang kasambahay na si Cadelina Domingo na ilang buwan nang nakakulong.
Sinabi ni Levito Baligod, abogado ng whistleblower na si Benhur Luy, na na-frame-up si Domingo ni Napoles.
Dagdag niya na nang tumigil maging kasambahay si Domingo ay binigyan siya ni Napoles ng mga damit na nagkakahalaga ng P200,000 bilang “farewell†gift.
"Pinalabas na lamang nila na yung underwear at jacket... na ninakaw daw niya," pahayag ni Baligod sa isang panayam sa radyo.
Matapos magpalipas ng gabi sa Camp Crame, inilipat sa Makati City Jail kagabi si Napoles ngunit inilagay sa isang kuwartong may aircondition at hiwalay kay Domingo.
"Small, may lumang sofa, white na sahig, air-conditioned at basically isang desk," paglalarawan ni interior secretary Mar Roxas sa “selda†ni Napoles.
Sinabi ni Judge Elmo Alameda ng Makati Regional Trial Court Branch 150 kahapon na dapat ay as Makati City Jail makulong si Napoles.
Siya rin ang naglabas ng arrest warrant laban kay Napoles at sa kapatid niyang si Reynald Lim sa kasong serious illegal detention dahil sa pagkulong nila kay Luy.
Kaugnay na balita: Napoles sa Makati City Jail ikukulong
Sinabi pa ni Roxas na round-the-clock security ang ibinigay ng gobyerno kay Napoles upang masiguro ang seguridad niya dahil inaasahan siyang magsisiwalat nang mga alam sa pangungurakot ng mga mambabatas.
Kaugnay na balita: Napoles bantay-sarado 24 oras sa Makati City Jail