'Handang sumuko si Napoles'

MANILA, Philippines – Handang sumuko ang nagtatagong si Janet Lim-Napoles, pero kailangan munang matiyak ng gobyerno ang kanyang kaligtasan, ayon sa kanyang abogado ngayong Miyerkules.

Sinabi ni Lorna Kapunan na dapat itratong inosente si Napoles dahil hindi pa naman napapatunayan na may kinalaman talaga siya P10-bilyon pork barrel scam.

"The President should just assure Mrs. Napoles will be guaranteed her safety and security as well as her rights under the Constitution, including presumption of innocence and due process," pahayag ni Kapunan sa isang panayam sa telebisyon.

"She has nothing to hide, but there may be those who want her dead," dagdag niya.

Lumitaw ang pangalan ni Napoles matapos magsalita ang whistleblower na si Benhur Luy tungkol umano sa pangungurakot ng mga mambabatas gamit ang kanilang Project Development Assistance Fund na ipinapasok sa mga pekeng nongovernment organizations.

Sinabi pa ni Kapunan na hindi tama ang ginawang freeze order ng korte sa mga bank accounts ni Napoles at ng kanyang mga kamag-anak.

Kaugnay na balita: Freeze order sa bank accounts ni Napoles

Samantala, pinabulaanan din niya ang haka-hakang tumakas si Napoles gamit ang kanyang yate.

"That is an absolute lie. Mrs. Napoles does not own any yacht at all. She does not even have a small banca," banggit ni Kapunan.

Kahapon ay iniulat ng Bureau of Immigration na nawawala ang umano’y tatlong yate ni Napoles sa Manila Yacht Club.

"That Mrs. Napoles also owns a private plane, and therefore she can fly out from any of these airports that we have in the country is also absolutley false," ani Kapunan.

"In fact it is absurd meron pa daw siyang submarine that's why they cannot find her," dagdag ng abogada.

Kaugnay na balita: 3 yate ni Napoles nawawala

 

Show comments