Ex-PNP Chief Razon , 32 iba pa ipinapaaresto ng Sandiganbayan

MANILA, Phiippines – Ipinaaresto ng Sandiganbayan si dating Philippine National Police (PNP) chief Avelino Razon Jr. at 32 iba pang opisyal ng pulisya dahil sa maanomalyang pagpapagawa ng mga light armoured vehicles (LAV) noong 2007.

Bukod kay Razon ay kabilang din sa ipinapaaresto ang mga kasalukuyang opisyal ng PNP na sina ex-PNP comptrollers Geary Barias at Eliseo de la Paz.

Sinabi ng Sandiganbayan ngayong Miyerkules na ipinadala na nila ang mga arrest warrant sa bahay ng mga akusado.

Napatunayan ng 4th Division ng korte na may sala sila sa falsification of public documents sa pagpapagawa nila ng mga LAV.

Umabot sa P400 milyon ang nagastos ng PNP sa maanomalyang isyu.

Show comments