^

Balita Ngayon

P7.8M flagpole overpriced?

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matapos magsagawa ng kilos protesta sa Rizal Park kontra sa maling paggamit ng pork barrel ng mga mambabatas, ikinainis ng marami ang nakalaang P7.8 milyon para sa isang flag pole ng liwasan.

"Kakagaling pa lang ng karamihan sa Luneta, at ito mga kabayan ang napansin ng isa nating kababayan. Ano ang masasabi ninyo dito sa proyektong ito. Sulit ba ang pag-gagamitan ng halos P8 Million pesos natin hindi para kumpunihin dahil sira, ngunit nais lang nilang gawing mechanized ang flagpole,"  ayon sa Facebook page TAX Rebellion Pilipinas na naglagay ng larawan sa social networking site.

Umani ng higit 7,000 likes ang facebook page kung saan inulan din ito ng mga reaksyon ng mga Pilipino na karamihan ay nagtataka sa mataas na halaga ng flag pole.

Sinabi ng isang Architect na si Jinky Oliveros na dapat ay magkaroon ng breakdown ng mga gagastusin sa proyekto.

"I am an architect...overpricing na kapresyo ng isang bahay...pwede na mag-renovate ng schools sa mga poor areas...nakakainis ang laki nyan..hindi makatotohanan, dapat may breakdown ang estimate nyan..." komento ni Oliveros.

Ayon sa nakaraang balita ng Philippine Star, sinabi ng tagapagsalita ng National Parks and Development Committee (NPDC) na si Kenneth Montegrande na papalitan nila ngayong taon ang 105-talampakang flagpole ng bago.

Balak ipalit ng NPDC ang 150-talampakan at mechanized na flagpole upang hindi na maging mano-mano ang pag-aakyat ng bandila.

“Raising the flag would become mechanized because it would be strenuous for humans to bring the flag to the top because they would have to deal with the strong wind at that height, at 150 feet,” paliwanag ni Montegrande.

Made in China
Dumagdag sa inis ng publiko ang panggagalingan ng bagong flagpole.

Sinabi ng NPDC na manggagaling ito sa China, na hindi nagustuhan ng mga nagkomento sa facebook page lalo na't patuloy pa rin ang pag-aagawan nila ng Pilipinas sa teritoryo.

"At ang pinakamasaklap dito, ang pinakamalaking insulto dito, manggagaling at bibilhin ang flagpole sa CHINA!!!," sabi pa ngT AX Rebellion Pilipinas.

"This make me sick.. wla n me msabi..sang ayon me sa lhat ng sinsabi nyo.. kawawa tyong mga Pilipino!. At sa CHina pa na binu bully na nga tyo!" komenti ng isang Dangz Allanza Docot.

"Kung ibida ang galing ng Pinoy sa buong mundo... Tapos itong simplemg flag pole di magawa ng pinoy? Sa China pa kukunin?" sabi naman ni Julius Arroyo.

Nagpaliwanag naman si DPWH National Capital Region Director Reynaldo Tagudando ngayong Miyerkules at sinabing hindi ito over-priced at dumaan sa public bidding ang proyekto.

"Base ho 'yan sa aming canvass kaya okay lang po ang presyo niyan," pahayag ni Tagudando.

Para naman kay DPWH South Manila District Engineer Mike Macud ay panahon na upang palitan ang 15-taong flagpole sa Luneta.

"Inorder pa nila sa China yung flagpole. 'Yung almost P4 million kasama dito yung removal of existing pole, reinforcing of steel bars, concrete works, carpentry works, tile works. Meron din po tayong construction safety and health," paliwanag ni Macud sa dating ulat.

DANGZ ALLANZA DOCOT

FLAGPOLE

JINKY OLIVEROS

JULIUS ARROYO

KENNETH MONTEGRANDE

LUNETA

NATIONAL CAPITAL REGION DIRECTOR REYNALDO TAGUDANDO

REBELLION PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with