MANILA, Philippines – Napanatili ng bagyong “Nando†ang kanyang lakas habang papalapit ito sa Batanes group of Islands, ayon sa state weather bureau ngayong Martes.
Namataan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) kaninang alas-4 ng hapon ang mata ng bagyo sa 220 kilometro hilaga-silangan ng Appari, Cagayan o 190 kilometro timog-silangan ng Basco Batanes.
May lakas si Nando na 75 kilometers per hour (kph) at bugsong aabot sa 90 kph, habang gumagalaw ito pa-hilaga-kanluran sa bilis na 15 kph.
Nakataas ang public storm warning signal number 2 sa Batanes group of Islands, habang signal number 1 naman sa probinsya ng Cagaya, Calaya, Apayao, at Isabela.
Inaasahang nasa 100 km hilaga ng Basco Batanes si Nando bukas ng hapon, at uusog ito sa 580 km hilaga-silangan sa Huwebes.
Makakaranas ng mahina hanggang katamtamang pag-ulan at panaka-nakang malakas na pag-ulan na may pagkulog at pagkidlat ang Metro Manila at buong Luzon.
Si Nando ang pang-14 na bagyong dumaan sa Philippine Area of Responsibility ngayong taon.