MANILA, Philippines – Ayaw pagsarahan ng pinto ni Kapamilya actress Jessy Mendiola ang hunk actor at manliligaw na si Sam Milby kahit na magkalayo sila ng edad.
Inamin ni Jessy na lumalabas sila ni Sam ngunit kumabig agad ito at sinabing hindi pa naman ito ganoon kaseryoso.
“We go out lang naman and hang. Nothing super serious since alam niya priority ko ang career ko,†sabi ng 20-anyos na si Jessy na siyam na taon ang agwat kay Sam.
Pinuri rin ni Jessy ang bagong manliligaw at sinabing nais muna nilang makilala ang isa’t isa.
“He’s a very sweet and nice guy so I don’t want to close any doors naman and why not let him get the chance na makilala ako and ganoon din ako sa kanya. Let’s see how it goes na lang,†dagdag niya.
Inamin kahapon ni Sam sa “The Buzz†ng ABSCBN na nililigawan niya si Jessy.
“Nililigawan ko si Jessy,†banggit ni Sam. “I like her, she’s beautiful… Hindi siya maarte.â€
Sinabi pa ni Sam na kahit bata sa edad si Jessy ay malawak naman ito mag-isip.
“I think a lot of times she’s misunderstood too. Masyado siyang bata but for me she’s mature for her age. I can’t say na I know her that well but the times that I’ve hung out with her have been fun.â€
Nagkasama ang dalawang artista sa isang episode ng “Maalaala Mo Kaya.â€