Eroplano nakabalandra sa runway ng Kalibo Airport

MANILA, Philippines – Paralisado ang operasyon ngayong Lunes ng Kalibo Airport sa probinsya ng Aklan matapos bumalandra ang isang eroplano kaninang umaga.

Sinabi ng Ninoy Aquino International Airport Media Affairs Division na nakaharang sa runway ang eroplano ng Sea Air A320 na patungong manila.

Ayon sa ulat ay nakabalandra pa ang eroplano nang lumampas ito sa gilid ng runway.

Hanggang ngayon ay hindi pa natatanggal ang eroplano na sumadsad sa malambot na bahagi ng lupa.

Dahil dito itinigil ang operasyon ng paliparan.

Nagpadala na ng tauhan ang Civil Aviation Authority of the Philippines upang pangunahan ang imbestigasyon sa insidente.

 

Show comments