MANILA, Philippines – Pinabulaanan ni Taguig City Mayor Lani Cayetano ang mga kumakalat na balitang hindi gumagana ang pumping stations sa kanilang lungsod.
Sinabi ni Cayetano ngayong Miyerkules na plantsado ang operasyon ng kanilang mga pumping stations na ginagamit upang masipsip ang mga baha.
“We would like to state that all of the pumping stations are working in Taguig. Do not believe reports that the pumping stations are now working,†pahayag ni Cayetano.
Labing-siyam na barangay sa Taguig City ang lubog sa baha, kung saan umabot na sa 3,048 na pamilya o 13,242 katao ang inilikas.
“The Taguig City government is still on alert for any emergency situation,†dagdag ng alkalde.
Sa mga nais magpatulong ay maaaring tumawag sa Taguig Rescue at 1657777, 7893281 at 09175503727, habang 5557919 naman sa Taguig Social Welfare and Development office.