MANILA, Philippines – Higit 500 lugar sa Luzon ang nalubog sa baha dahil sa walang tigil na pag-ulan simula pa nitong Linggo dulot ng hanging habagat na pinalakas ng bagyong Maring.
Sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong Miyerkules na 513 lugar sa 78 lungsod at bayan sa Ilocos, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, at Metro Manila ang binaha.
Umabot naman sa 1,060,094 katao ang naapektuhan ng kalamidad kung saan 132,969 dito ay nananatili pa rin sa mga evacuation centers.
Siyam na katao naman ang naitalang nasawi, habang apat ang nawawala, ayon sa NDRRMC.
Tatlong probinsya, tatlong lungsod, walong bayan, at dalawang barangay ang isinailalim sa state of calamity.
Probinsya
Bataan
Cavite
Laguna
Lungsod
San Fernando, Pampanga
Paranaque
Muntinlupa
Bayan
Narvacan, Ilocos Sur
Masantol, Pampanga
Macabebe, Pampanga
Minalin, Pampanga
Guagua, Pampanga
San Mateo, Rizal
Taytay, Rizal
Pateros
Barangay
Victoria, Sablayan, Occidental Mindoro
Lagnas, Sablayan, Occidental Mindoro