Marikina River inilagay sa Alert Level 3
MANILA, Philippines - Umabot na sa ikatlong alarma ang Marikina River dahil sa pagtaas ng tubig dala ng patuloy na pag-ulan ngayong Martes.
Sinabi ng Marikina Public Information Office (PIO) sa kanilang Twitter account kaninang 1:30 ng hapon na nasa 17.3 meters na ang taas ng tubig sa ilog.
ABISO Marikenyo>>> #Marikinariver ALERT LEVEL 3.. 17.3m ang water level as of 1:30pm
— PIO Marikina (@MarikinaPIO) August 20, 2013
Nakabukas na rin ang lahat ng kanilang floodgate upang maiwasan ang pag-apaw ng tubig.
Umabot na sa 519 pamilya o 2,630 na katao ang inilikas ng lokal na pamahalaan at dinala muna sa H. Bautista Elementary School na nagsilbing evacuation area.
Ang hanging habagat na pinalakas ng bagyong Maring ang nananalasa ngayon sa Metro Manila at mga karatig na probinsya.
Kaugnay na balita: 'Habagat 2013' mas maraming ibinuhos kumpara sa Ondoy at 'Habagat 2012'
- Latest
- Trending