Abueva, Santos, Castro unahan sa PBA MVP award
MANILA, Philippines – Nangunguna sa listahan ng PBA season MVP sina Alaska Milk super rookie Calvin Abueva, Petron Blaze do-it-all forward Arwind Santos at FIBA Asia Mythical Five member Jayson Castro.
Pasok sa listahan si Castro dahil nasungkit niy ang Philippine Cup Best Player of the Conference Award, habang mataas naman ang statistical points (SP) ni Abueva at Santos.
Nakapagtala ng 21.4, 21, at 20, statistical points sina Abueva, Santos, at Castro, ayon sa pagkakasnod.
Nakabuntot naman sa karera sina Sol Mercado ng Global Port, (19.4), Ranidel de Ocampo (19.1), Mark Caguioa (18.9), Jayvee Casio (18.2).
Pero bukod sa SP ay magiging krusyal ang magiging botohan ng mga manlalaro, PBA press corps, at league officials na kabilang sa porsiyento upang makilala ang pinakamagaling na manlalaro.
Malaki ang tsansa ni Castro matapos siyang kilalanin na pinakamagaling na point guard sa Asya sa katatapos lamang na FIBA Asia, pero hinahabol ni Abueva na gawin ang mailap na Rookie at MVP award.
Tanging si Benjie Paras lamang noong 1989 ang nakakuha ng parehong award.
Pangalawa sa listahan ng pinakamagaling na rookie ay si Junmar Fajardo (16.3), Cliff Hodge (15.1), Chris Ellis (13.5) at Vic Manuel (10.2).
- Latest
- Trending