^

Balita Ngayon

Freeze order sa bank accounts ni Napoles

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines –  Naglabas ng freeze order ang Court of Appeals as lahat ng bank accounts ng negosyanteng si Janet Lim Napoles, ang itinuturong nasa likod ng bilyung-bilyong pork barrel scam.

Anim na buwan ang bisa ng freeze order at sakop nito ang mga bank account ng kanyang pamilya at malalapit na kamag-anak.

Maging ang mga empleyado ng JLN Corporation na pagmamay-ari ng mga Napoles ay sakop ng freeze order ng appellate court.

Hanggang ngayon ay nagtatago pa rin si Napoles pati ang kanyang kapatid na si Jojo Lim matapos maglabas ang Makati Trial Court ng arrest warrant para sa kasong illegal detention at kidnapping sa whistleblower na si Benhur Luy.

Lumabas sa pagsisiyasat ng Commission on Audit (COA) na 82 NGO ang nakatanggap ng pondo mula sa 12 senador at 180 kongresista, kung saan 10 dito ay kay Napoles na nakakuha ng P2.157 bilyon.

Si Napoles ang itinuturong nasa likod ng pork barrel scam kabilang ang mga senador at kongresista.

Sinabi sa report ng COA na kaduda-duda ang mga address ng mga NGO maging ang mga transaksyong pinasok ng mga ito.

BENHUR LUY

COURT OF APPEALS

HANGGANG

JANET LIM NAPOLES

JOJO LIM

LUMABAS

MAKATI TRIAL COURT

NAPOLES

SI NAPOLES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with