MANILA, Philippines – Kinumpirma ngayong Biyernes ng Commission on Audit (COA) na nakatanggap ng pondo mula sa pork barrel ng mga mambabatas noong 2007-2009 ang mga non-government organization (NGO) na si Janet Lim Napoles ang may hawak.
Lumabas sa pagsisiyasat ng COA na 82 NGO ang nakatanggap ng pondo mula sa 12 senador at 180 kongresista, kung saan 10 dito ay kay Napoles na nakakuha ng P2.157 bilyon.
Si Napoles ang itinuturong nasa likod ng pork barrel scam kabilang ang mga senador at kongresista.
Sinabi sa report ng COA na kaduda-duda ang mga address ng mga NGO maging ang mga transaksyong pinasok ng mga ito.
Umabot pa sa P123 milyon ang ginamit pampasweldo sa mga tauhan ng NGO.
Hanggang ngayon ay nagtatago pa rin si Napoles pati ang kanyang kapatid na si Jojo Lim matapos maglabas ang Makati Trial Court ng arrest warrant para sa kasong illegal detention at kidnapping sa whistleblower na si Benhur Luy.
Mga kauganay na balita: Napoles, utol nawawala - NBI
Abogado kay Janet Napoles: Sumuko ka na
Jojo Lim 2 beses sinubukang tumakas ng Pinas