MANILA, Philippines – Dalawang beses sinubukang lumabas ng bansa ng ni Reynald "Jojo" Lim, kapatid ng umano’y mastermind ng multi-million prok barrel scam na si Janet Lim-Napoles, ngayong buwan ayon sa opisyal ng immigration kagabi.
Sinabi ni Bureau of Immigration (BI) Regulation Division head Danilo Almeda na sinubukang lumipad ni Lim noong Agosto 2 patungong South Korea bandang 10:19 ng umaga sakay sana ng Asiana Airlines flight OZ 706.
Sa araw din na iyon ay sinubukan din pumunta ni Lim sa Kuala Lumpur, Malaysia lulan sana ng Malaysian Airlines flight MH 705.
"The subject was denied departure clearance on both attempts," pahayag ni Almeda.
Aniya bago pa man maglabas ng arrest warrant ang Makati Trial Court laban sa magkapatid dahil sa kasong illegal detention sa whistleblower na si Benhur Luy ay iniutos na ni Immigration officer-in-charge Siegfrid Mision ang high alert sa mag-utol.
“This was the instruction of the OIC a few days ago I think last week pa high alert na.â€
Nagpakalat na ng 12 team ang National Bureau of Investigation (NBI) para sa malawakang manhunt operation matapos hindi madakip ang dalawa.
Kaugnay na balita: Napoles, utol nawawala - NBI
Sinabi naman ni Justice secretary Leila De Lima na naniniwala silang nasa bansa pa ang magkapatid.
Nanawagan na rin ang abogado ni Napoles na sumuko na lamang dahil kaya nilang patunayan na inosente ang negosyante.
Kaugnay na balita: Abogado kay Janet Napoles: Sumuko ka na