Chot: Gilas lineup puwedeng mabago sa world cup

MANILA, Philippines – Inamin ni Gilas Pilipinas coach Chot Reyes na maaaring maiba ang lineup ng kanyang koponan sa pagsabak nila sa FIBA World Cup sa susunod na taon kung kinakailangan.

"Of course, I'm going to war with these guys who brought me here," pahayag ni Reyes sa isang panayam sa telebisyon kaninang umaga.

"Although I want to keep, of course, the same team together, my job as a coach for the World Cup is to put the best team," dagdag niya.

Sinabi ni Reyes na mahirap man ito para sa kanya, pero kung kinakailangan itong gawin ay magpapalit siya ng ibang manlalaro.

"If the time comes there is one or two who I feel would be better for the team, then I'll have to make the decision at that point," sabi ni Reyes.

Inamin din ni Reyes na ang sumabak na koponan sa katatapos lamang na FIBA Asia ay kulang pa, kung ang sukatan ay ang individual talent.

Aniya, mayroon siyang 12 manlalaro pa na puwedeng hugutin at ilagay sa bibiyaheng tropa pa-Espana.

Pero nilinaw ni Reyes na ang kailangan niya ay magkaroon ng koponan na may “best players who can fit together for the team."

Nagbunyi ang buong bansa sa silver medal finish ng Gilas kung saan kaakibat nito ang ticket patungo sa world cup na matagal nang hindi napupuntahan ng Pilipinas.

 

Show comments