MMDA chairman Tolentino tinanggap ang hamon, sumakay ng bus
MANILA, Philippine – Tumugon sa hamon ng publiko si MMDA Chairman Francis Tolentino na sumakay ng public utility vehicles ngayong Huwebes.
Bumiyahe si Tolentino sakay ng bus mula EDSA-Ayala patungong Baclaran hanggang sa bagong bukas na Southwest Integrated Terminal sa Parañaque .
Kaugnay na balita: Southwest Integrated Terminal sa Parañaque binuksan na
Pabalik ay sumakay pa ito ng jeep papuntang Mall of Asia sa Pasay.
Sinabi ni Tolentino na maayos naman ang kanyang naging biyahe pero inaming baka dahil nakilala siya ng bus driver at inayos ang pagmamaneho.
Dagdag ng pinuno ng ahensya na hindi naman ito ang unang pagkakataon na sumakay siya ng pampublikong sasakyan.
“Okay naman po, ginagawa naman po natin dati yan,†sabi ni Tolentino sa isang panayam sa telebisyon habang sakay ng bus.
“Nakikita natin kung ano 'yung mga nararanasan ng mga pasahero,†dagdag niya.
Sinabi pa ni Tolentino na tama ang mungkahi ng publiko na subukan ng mga opisyal ng gobyerno mamasahe paminsan-minsan.
“Tama 'yung suggestion na panaka-naka gamitin 'yung public transpo system," ayon kay Tolentino.
Aniya sa pagsakay ng isang tulad niyang opisyal ng gobyerno ay malalaman ang tunay na problema sa transportation system.
“Malaman 'yung tunay na problema, ano ba 'yung root cause?â€
Gayun pa man ay hinikayat niya ang publiko na magbigay din ng kanilang mungkahi kung paano mapapabuti pa ang pagbiyahe sa Metro Manila.
Nitong nakaraang linggo ay hinamon sa isang online petition sina Pangulong Benigno Aquino III at mga tauhan ng gobyerno na sumakay sa mga pampublikong sasakyan upang personal nilang maranasan ang kinakaharap ng mga namamasahe araw-araw.
Online petition kina PNoy at gov't officials: Sumakay kayo sa MRT, bus
- Latest
- Trending