MANILA, Philippines – Tikom ang bibig ng Palasyo kung tutulak ba patungong China si Pangulong Benigno Aquino III para dumalo sa ASEAN-China Expo (CAEXPO) sa Setyembre 3.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Edwin Lacierda na ang Pilipinas ang host ng 10th ASEAN-China Expo (CAEXPO) at kinakailangan ng kinatawan dito pero hindi sigurado kung sasama si Aquino.
"We'll wait for the DFA (Department of Foreign Affairs) to confirm. We haven't received any word from them yet," ani Lacierda.
Sa isang ulat ng Vera Files ngayong Miyerkules, sinabi nila na tutungo ng China si Aquino.
Anila, isa itong paraan upang mapahupa ng Pilipinas ang tensyon sa pagitan nila ng China dahil sa pinag-aagawang teritoryo.
Sinabi ni Lacierda na kahit sino pa man ang maging kinatawan ng Pilipinas ang mahalaga ay maplantsa ang gusot sa pagitan ng dalawang bansa.
"This is primarily a trade and economic event. Our relationship with China is not limited to the West Philippine Sea. We've always said that our relationship with China is multi-faceted. We're focusing now on trade and economic agenda," ani ng tagapagsalita.
Ang Pilipinas ang “country of honor†ngayong ton na gagawin mula Setyembre 3 hanggang 6.