MANILA, Philippines – Iginiit ni Taguig City Mayor Lani Cayetano ngayong Miyerkules na hindi pa pinal ang desisyon ng Court of Appeals (CA) na ang Makati City ang may sakop sa Bonifacio Global City (BGC).
Sinabi ni Cayetano sa isang pulong balitaan na sakop pa rin nila ang commercial district maging ang pitong “embo†na baranggay.
"Let's make it very clear that the decision is not yet final and executory. Taguig will continue to exercise its jurisdiction over Fort Bonifacio," pahayag ni Cayetano.
Nitong kamakalawa ay kinatigan ng CA ang apela ng Makati City na parte ng kanilang jurisdiction ang BGC at ang pitong baranggay na Cembo, South Cembo, West Cembo, East Cembo, Comembo, Pembo at Pitogo.
Kaugnay na balita: Ilang bahagi ng The Fort, parte ng Makati hindi sa Taguig - CA
Nanawagan din si Cayetano sa kanyang nasasakupan na ipagpatuloy ang mga transaksyon sa kanilang city hall.
Samantala, nakisali na rin ang Pateros sa agawan sa BGC.
Kaugnay na balita: Pateros inaangkin din ang BGC
Sinabi ni Pateros Mayor Jaime "Joey" Medina sa isang panayam sa radyo ngayong Huwebes na sila ang may jurisdiction sa BGC.
"Ang kine-claim po ng bayan ng Pateros ay ang kabuuan po ng Global City at pati po 'yung mga pinag-aagawan po ng Makati at Taguig," pahayag ni Medina.