2 kolumnista utas sa pananambang sa QC

Pinagsamang larawan ni Kevin Eddy at NS Newsflash.

MANILA, Philippines – Dalawang kolumnista ang itinumba ng hindi pa nakikilalang armadong kalalakihan nitong Martes ng gabi sa Quezon City.

Utas sina Bonifacio Loreto at Richard Kho ng Aksyon Ngayon Newspaper matapos tambangan sa Commonwealth village, Quezon City.

Ayon kay Senior Police Officer 1 Pascual Fabreag ng Criminal Investigation and Detection Unit, nag-iinuman ang dalawang biktima sa harap ng tindahan nang pagbabarilin ng mga suspek.

Patay kaagad ang dalawa dahil sa tama ng mga bala sa iba’t ibang parte ng katawan.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga pulis upang malaman ang pagkakakilanlan ng mga suspek at ang motibo sa likod ng pag-atake.

Hinala naman ng anak ni Kho na may kinalaman sa trabaho ang motibo sa pagpatay sa kanyang ama.

 

Show comments