MANILA, Philippines – Malapit nang madakip ng mga awtoridad ang suspek sa pagsabog ng isang bistro sa Cagayan de Oro City nitong Biyernes ng gabi, ayon sa kanilang alkalde.
Sinabi ni City mayor Oscar Moreno sa isang panayam sa radyo na may mga lead na sila upang madakip ang mga suspek.
Kaugnay na balita: Computerized image ng 3 CDO blast suspects inilabas ng PNP
"May mga lead, and the police and law enforcement agencies are pursuing these leads...the number of leads gets smaller and the focus [becomes] deeper [and] is more thorough," sabi ni Moreno.
Tumanggng magbigay pa ng karagdagang detalye ang alkalde.
"Hindi pa rin natin ma-discount 'yung nakakagimbal na possibility. I have said enough and I cannot say anything more than that."
Anim na katao ang kaagad nakitil sa pagsabogsa Kyla’s Bistro bandang alas-11 ng gabi nitong Biyernes, habang dalawa pa ang nasawi kahapon at kaninang umaga.
Nakilala ang nasawi an sina Atty. Antonio Paredes, Dr. Erwin Malanay, Dr. Marciano Agustin, Unilab executive Reynaldo Dalupan and pharmaceutical representatives Manny Falafox, Anthony Canete at Ryan Saso Estose.
Kaugnay na balita: 8 na bilang ng mga nasawi sa CDO blast
Aabot sa 50 katao naman ang sugatan sa pagsabog na hanggang ngayon ay inaalam pa rin kung sino ang responsable sa pag-atake.