^

Balita Ngayon

Claudine takot na kay Raymart?

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nilinaw ng artistang si Claudine Barretto na nais lamang niyang protektahan ang kanyang sarili at mga anak kaya nais niyang  makakuha ng temporary protection order (TPO) kontra sa asawa niyang si Raymart Santiago.

Sinabi pa ni Claudine na wala siyang intensyon na sirain ang reputasyon ni Raymart sa paghingi niya ng TPO.

 â€œWala akong intensyon na sirain ang pagkatao ng asawa ko. I just want to protect my children and myself,” pahayag ni Barreto sa isang taped interview na umere sa primetime news program ng GMA 7 na “24 Oras kagabi.

 â€œKaya nga humantong sa ganito, kaya iiwan ko na lang sa korte ito lahat,” dagdag ni Claudine.

Kaugnay na balita: Protection order hiling ni Claudine vs Raymart

Kahapon ng umaga ay tumungo ng Marikina Regional Trial Court si Claudine kasama ang kanyang abogadong si Ferdinand Topacio upang humingi ng TPO dahil umano sa paglabag ni Raymart sa Republic Act No. 9262 o ang Violence Against Women and Children Act.

Sinabi naman ni Topacio sa panayam niya sa “TV Patrol” ng ABS-CBN na nakaranas daw ng pang-aabuso ang  kanyang kliyente.

 â€œHe has committed a lot of those—physical, verbal, psychological, and even economical abuse. With this, she has reached a point of no return in her marriage with Mr. Santiago,” sabi ni Topacio.

Nitong nakaraang buwan lamang ay nag-post ng litrato si Claudine sa photo sharing service na Instagram kung saan pinakita niya ang kanyang pasa sa mukha.

Sinabi ni Topacio na hindi iyon ginawa ni Claudine sa kanyang sarili.

“We have witnesses and other proof to show that these are not self-inflicted wounds,” ani ng abogado.

Ayon sa isang ulat ay diringgin ng korte ang kahilingan ni Claudine bukas.

CLAUDINE

FERDINAND TOPACIO

MARIKINA REGIONAL TRIAL COURT

MR. SANTIAGO

RAYMART

RAYMART SANTIAGO

SINABI

TOPACIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with