^

Balita Ngayon

Arroyo naghain ng panukala vs paparazzi

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Muling isinulong ni dating pangulo at ngayo’y Pampanga representative Gloria Macapagal Arroyo ang panukala laban sa mga “paparazzi” na nanghihimasok sa pribadong buhay ng bawat tao.

Nais panagutin sa batas ni Arroyo at ng kanyang anak na si Camarines Sur Rep. Diosdado Arroyo ang mga photographer na gumagamit ng mahahabang lente upang makuhaan ang mga gawain ng isang tao.

Kabilang din sa panukala ang pagbabawal sa paggamit ng hyperbolic microphones upang mapakinggan ang pag-uusap.

"Due to these developments, harassment and trespassing threaten not only public persons and their families, but also private persons and their families whose personal tragedies or circumstances beyond their control create media interest," sabi ng mga mambabatas sa House Bill 1390.

Ang anumang panghihimasok na magreresulta sa kamatayan ay pagmumultahin ng P50,000 at reclusion temporal o pagkakakulong ng 12 taon at isang araw hanggang 20 taon.

Kung sakaling magdulot ito ng seryosong pinsala sa biktima, kinakailangang magbayad ng P20,000 at maaaring makulong ng anim na taon hanggang 12 taon.

Kinakailangan namang magbayad ng multang P1,000 at maaaring makulong ng isang buwan pataas kung walang maidudulot na pinsala o kamatayan.

Nananatiling naka-hospital arrest si Arroyo dahil sa kasong pangsasabotahe ng eleksyon.

 

ARROYO

CAMARINES SUR REP

DIOSDADO ARROYO

GLORIA MACAPAGAL ARROYO

HOUSE BILL

KABILANG

KINAKAILANGAN

NANANATILING

PAMPANGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with