Kuliglig, pedicab isusunod ni Erap
MANILA, Philippines – Bilang na rin ang mga araw ng binansagang “tunay na hari†ng kalsada ng Maynila, ayon kay Manila City Mayor Joseph Estrada ngayong Biyernes.
Sa patuloy na pagsasaayos ng trapiko sa Maynila, kasama sa mga aayusin ni Estrada ang prangkisa ng mga pedicab at kuliglig sa lungsod.
"Pedicab at kulilglig, sa local government kumukuha ng prangkisa ang mga yan...aayusin namin muna ang jeep at bus. Pag naayos na ito, pupunta na kami sa kuliglig at pedicab," sabi ni Estrada sa isang panayam sa radyo.
Dagdag ng dating Pangulo na pati ang kasuotan ng mga pampublikong tsuper ay aayusin.
"Pati kasuotan nila (public transport drivers), iaayos natin 'yan... 'Di natin puwedeng pagsabay-sabayin," ani Estrada na humingi ng karagdagang oras upang maresolba ang lahat ng isyu ng lungsod.
Samantala, nilinaw ni Estrada na tanging mga kolorum na bus lamang ang kasama sa bus ban na ipinatupad nitong Lunes.
Kaugnay na balita: 'Bus ban' sa Maynila, mga colorum ang target - Erap
"Gusto ko lang liwanagin, bus na colorum ang bina-ban namin. Ang dami-dami nyan eh," sabi ni Estrada.
- Latest
- Trending