Billy at Nikki hiwalay na!

MANILA, Philippines – Matapos ang higit apat na taong relasyon, naghiwalay na ang showbiz couple na sina Billy Crawford at Nikki Gil, ayon sa talent management company ng dalawa.

Kinumpirma ng ALV Talent Circuit sa pamumuno ni Arnold Vegadria sa isang pahayag na napagdesisyunan ni Billy at Nikki na magkanya-kanya na.

 â€œOn behalf of our artists, Billy Crawford and Nikki Gil, we are greatly saddened by their admission that they have indeed mutually agreed to end their relationship of more than four years.”

Dagdag ng ALV na ayaw na nilang magkomento pa sa hiwalayan ng dalawa bilang respeto na lamang.

“With due respect to their privacy, we are refraining from issuing any other facts or statements related to the issue at this critical juncture.”

Unang kumalat ang tsismis na hiwalay na ang dalawa ngayong linggo kung saan “mutual” daw ang kanilang desisyon.

 

Show comments