'Bus ban' sa Maynila, mga colorum ang target - Erap

MANILA, Philippines – Nilinaw ni dating Pangulo at ngayo’y Manila mayor Joseph Estrada ang bagong kautusan sa Maynila na nagbabawal sa mga bus na pumasok sa lungsod.

Sa isang panayam sa telebisyon, sinabi ni Estrada na hindi lahat ay sakop ng “bus ban” sa kabisera ng Pilipinas.

“Mga bus na colorum lamang ang naka ban sa Maynila,” paliwanag ni Estrada sa ordinansa na nagdulot ng  kaluwagan sa trapiko ng lungsod ngunit inalmahan ng mga apektadong bus driver at operator.

Samantala, sinabi ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) na ilegal ang kautusan ng Maynila dahil hindi nito maaaring sapawan ang prangkisang ibinigay nila sa mga bus operator.

Kaugnay na balita: Prangkisa ng LTFRB, hindi masasapawan ng ordinansa

Matapos magpaliwanag ni Estrada ay sinabi ni LTFRB Executive Director Roberto Cabrera III na lumabas sa mga bus operator na total bus ban ang kautusan.

Dagdag niya na kung mga colorum lamang ang target ng Maynila ay saka ito magiging legal.

“Magiging legitimate, valid reason, it appeared to them na total ban ang nangyari,” komento ni Cabrera sa paliwanag ni Estrada.

Nitong Lunes ay ipinatupad ang Resolution No. 48 ni Manila 3rd District Councilor Letlet Zarcal kung saan ipinagbawal ang pagpasok ng mga bus na walang terminal sa lungsod.

Kaugnay na balita: Sa kabila ng mga reklamo at batikos bus ban sa Maynila, mananatili

Kahapon ay sinabi ni Vice Mayor Isko Moreno na huhulihin na nila ang mga lalabag sa ordinansa kung saan maaaring magbayad ng multa mula P500 hanggang P2,500.

Kaugnay na balita: Mga bus na lalabag sa ban sa Maynila, huhulihin na

Show comments