MANILA, Philippines – Limang komite sa Senado ang ibibigay ng bagong talagang Senate President Franklin M. Drilon sa anim na miyembro ng minorya, ayon sa senador ngayong Huwebes.
Mapupunta ang agrarian reform; social justice, welfare, and rural development; urban planning, housing and resettlement; and labor, employment and human resource development sa anim na miyebro ng minorya na pinamumunuan ni Senador at dating Senate President Juan Ponce Enrile.
"In the 15th Congress, all these important committees were headed by the senators belonging to the majority bloc," sabi ni Drilon.
Dating hawak ni Senador Gringo Honasan ang agrarian reform, habang kay Jinggoy Estrada naman ang labor committee at urban planning kay Ferdinand Marcos Jr.
Sina Manny Villar at Francis Pangilinan naman ang namuno sa economic affairs at social welfare noong 15th Congress.
Sinabi ni Drilon na bahala na ang minorya kung paano nila ipapamahagi ang posisyong inilaan sa kanila.
"It is up to the discretion of the minority bloc as to how they plan to distribute these committees to its members and whether they will accept them or not," sabi ng bagong Senate President.
"We will not break the tradition, so the minority will have committee chairmanships as well and it will be announced as we resume session next week," dagdag ni Drilon.
Bukod kay Enrile, kabilang sa minorya sina Senators Vicente Sotto III, Estrada, Honasan at mga baguhang sina JV Ejercito at Nancy Binay.