MANILA, Philippines – Tapos na ang palugit ng pamahalaang lokal ng Maynila sa mga susuway sa kanilang bagong ordinansa.
Mula ngayong Huwebes ay huhulihin na ng mga awtoridad ang mga bus na walang terminal sa Maynila na papasok sa lungsod.
Noong Lunes ay ipinatupad ang Resolution No. 48 ni Manila 3rd District Councilor Letlet Zarcal kung saan ipinagbawal ang pagpasok ng mga bus na walang terminal sa lungsod na nagresulta sa maluwag na daloy ng trapiko sa kabisera ng bansa.
Magmumulta mula P500 hanggang P2,500 ang mga lalabag sa kautusan.
Ang mga bus na galing Quezon City ay hanggang sa Welcome Rotonda na lamang, ang boundary ng lungsod at ng Maynila.
Umani ng samu’t saring reaksyon ang bagong kautusan mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan.
Tinutulan ito ng mga bus drivers at operators dahil apektado ang kanilang operasyon, habang ang publiko naman ay nahihirapan umanong sumakay dahil sa bagong kautusan.
Ayon kay Manila Vice Mayor Isko Moreno, isa lamang ito sa mga paraan upang mabawasan ang problema sa trapiko, gayundin ang mga pagsugpo sa nagÂlipanang mga kolorum.
Kaugnay na balita: Sa kabila ng mga reklamo at batikos bus ban sa Maynila, mananatili