^

Balita Ngayon

Mga bus na lalabag sa ban sa Maynila, huhulihin na

AJ Bolando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tapos na ang palugit ng pamahalaang lokal ng Maynila sa mga susuway sa kanilang bagong ordinansa.

Mula ngayong Huwebes ay huhulihin na ng mga awtoridad ang mga bus na walang terminal sa Maynila na papasok sa lungsod.

Noong Lunes ay ipinatupad ang Resolution No. 48 ni Manila 3rd District Councilor Letlet Zarcal kung saan ipinagbawal ang pagpasok ng mga bus na walang terminal sa lungsod na nagresulta sa maluwag na daloy ng trapiko sa kabisera ng bansa.

Magmumulta mula P500 hanggang P2,500 ang mga lalabag sa kautusan.

Ang mga bus na galing Quezon City ay hanggang sa Welcome Rotonda na lamang, ang boundary ng lungsod at ng Maynila.

Umani ng samu’t saring reaksyon ang bagong kautusan mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan.

Tinutulan ito ng mga bus drivers at operators dahil apektado ang kanilang operasyon, habang ang publiko naman ay nahihirapan umanong sumakay dahil sa bagong kautusan.

Ayon kay Manila Vice Mayor Isko Moreno, isa lamang ito sa mga paraan upang mabawasan ang problema sa trapiko, gayundin ang mga pagsugpo sa nag­lipanang mga kolorum.

Kaugnay na balita: Sa kabila ng mga reklamo at batikos bus ban sa Maynila, mananatili

AYON

DISTRICT COUNCILOR LETLET ZARCAL

MAYNILA

NOONG LUNES

QUEZON CITY

RESOLUTION NO

WELCOME ROTONDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with