Pagkatapos ni Biazon, Lim nagbitiw na rin sa Customs

Ipinakita nina Customs Deputy Commissioner Danny Lim (kanan) at Marissa Galang, officer-in-charge of the Customs Intelligence Unit ang nasabat na P20 milyong halaga ng sibuyas sa Manila International Container Port. Kinumpiska ang mga sibuyas dahil sa kawalan ng papeles mila sa Customs. EDD GUMBAN

MANILA, Philippines - Isang na namang mataas na opisyal ng Bureau of Customs (BOC) ang nagbitiw sa puwesto kasunod ng pagkastigo ni Pangulong Benigno Aquino III sa ahensya nitong kamakalawa sa kanyang State of the Nation Address.

Kinumpirma ni Customs Commissioner Ruffy Biazon ang paghahain ni Deputy Customs Commissioner Danilo Lim ng resignation letter sa opisina ni Executive Secretary Paquito Ochoa, Jr.

Dagdag ni Biazon na nakasalalay na lamang sa desisyon ni Aquino kung tatanggapin niya ito.

"It's up to the prerogative of the President," sabi ni Biazon na unang nagbitiw sa puwesto ilang minuto matapos ang SONA ng Pangulo nitong Lunes.

Kaugnay na balita: Biazon tinamaan sa banat ni PNoy, nagbitiw sa puwesto

Kung si Biazon ang tatanungin ay nais niyang makipagtrabaho pa kay Lim na naging maaayos naman aniya ang trabaho.

"He is an officer and a gentleman. I'm okay to work with him. His outputs have been helpful to the bureau," papuri ni Biazon sa deputy customs commissioner.

"Of course, I could work with everyone but Danny Lim has already proven that he's okay with me," dagdag ng pinuno ng  BOC.

Tinira ni Aquino ang Customs, maging ang Bureau of Immigration, National Irrigation Authority (NIA) at Civil Service Commission dahil sa umano'y kapalpakan at baluktot na kalakaran na taliwas sa kanyang polisiyang "Tuwid na Daan."

Kaugnay na balita: PNoy sa 4 na ahensya: Saan kayo kumukuha ng kapal ng mukha?

“Para namang nakikipagtagisan sa kapalpakan itong Bureau of Customs. Imbes na maningil ng tamang buwis at pigilan ang kontrabando, parang walang pakundangan ang pagpapalusot nila ng kalakal, pati na ng ilegal na droga, armas, at iba pa sa ating teritoryo,” ani Aquino.

Hindi naman tinanggap ni Aquino ang pagbibitiw ni Biazon at sinabing nananatili ang kanyang tiwala sa kakayanan ng customs chief.

"RUFFY we both know the difficulties in the agency you are trying to reform. My confidence in you remains the same," tugon ni Aquino kay Biazon.

Kaugnay na balita: Biazon binawi ang resignation

 

Show comments