Aquino sinisisi ang sarili sa pagkamatay ni Robredo
MANILA, Philippines – Inamin ni Pangulong Benigno Aquino III sa kanyang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) na sinisisi niya ang kanyang sarili sa pagkamatay ng dating Department of Interior and Local Government Secretary Jessie Robredo.
Nabanggit ni Aquino na siya ang responsable sa pagkamatay ni Robredo matapos itong masawi sa isang plane crash noong Agosto 18, 2012.
Dagdag ng Pangulo na kung hindi niya sana hinikayat si Robredo na maging parte ng kanyang gabinete ay maaaring buhay pa ito at kapiling ang kanyang pamilya.
“Bukod sa pagluluksa, hindi ko maiwasang sisihin ang sarili ko dahil sa sinapit ni Jesse. Baka kung hindi ko siya hinikayat mapabilang sa Gabinete, buhay pa siya ngayon. Baka kung nanatili na lamang siya sa Naga, kapiling pa natin siya. Baka may isa pa ring Jesse Robredo na naglilingkod ngayon,†pagdaramdam ni Aquino sa kanyang SONA na ginawa sa Batasang Pambansa Lunes ng hapon.
Isa si Robredo sa mga pinagkakatiwalaang kalihim ni Aquino patungo sa pagtamasa ng “daang matuwid.â€
“Namuno siya nang may husay, malasakit, at pagpapakumbaba sa Naga. Ang mga prinsipyong ito nga mismo ang dahilan kung bakit hiniram natin siya mula kay Congresswoman Leni, at sa tatlo nilang mga anak, at sa mga Nagueño, upang maging bahagi ng ating Gabinete,†papuri ng Pangulo kay Robredo na nasawi sa kanyang pag-uwi ng Naga City mula ng Cebu.
Pero alam ni Aquino na hindi namatay si Robredo nang walang saysay. Aniya, malaki ang naiambag ng nasawing kalihim sa pagbabagong nais na matamasa ng kanyang administrasyon para sa bansa.
“Alam kong hindi hahayaan ni Jesse na tumigil sa kanya ang pagbabago at pagtutuwid ng lipunan,†ani Aquino.
“Hindi nag-iisa ang mukha ng pagbabago. Hindi na aabutin pa ng isandaang taon bago isilang ang susunod na mabuting tao, bago tumindig ang susunod na mabuting Pilipino,†dagdag ng Pangulo.
Gawing Permanente ang Pagbabago
Samantala, aminado ang Pangulo na sa nakalipas na tatlong taon ng kanyang pamumuno ay malayo pa ang mararating ang Pilipinas pero inaning hindi ito magiging madali.
“Mahaba pa ang ating lalakbayin at hindi natin kailanman sinabing madali o walang mga hadlang sa landas na ito. Subalit wala akong duda sa kakayahan nating lampasan ang anumang barikada.â€
Nanawagan din sa publiko si Aquino na tulungan siya na makamit ang pagbabagong inaasam ng lahat.
“Hindi tsamba ang mga tagumpay na tinatamasa natin ngayon; huwag tayong papayag na maging panandalian lamang ang transpormasyon. Samantalahin natin ang pagkakataon upang gawing permanente ang pagbabago.â€
Sa huli ay taas noong ipinagmalaki ni Aquino sa buong mundo ang kanyang mga nagawa para sa bansa, habang nilalasap ang tamis ng tagumpay na natitikman sa kasalukuyan.
“Ako po si Noynoy Aquino; ipinagmamalaki ko sa buong mundo: Pilipino ako. At talagang napakasarap maging Pilipino sa panahong ito.â€
- Latest
- Trending