MANILA, Philippines – Naglabas ng temporary restraining order (TRO) ang Korte Suprema na pumipigil sa kasong plunder na isinampa ng Office of the Ombudsman laban sa negosyanyteng si Jaime Dichaves, ang itinuturong may-ari ng kontrobersyal na “Jose Velarde†bank account.
Bukod sa Office of the Ombudsman, ipinatitigil din ng mataas na hukuman ang pagdinig ng kaso sa Sandiganbayan na unang pumutok noong 2001 pagkatapos mapalayas sa puwesto si dating Pangulong Joseph Estrada.
Natapos ang botohan ng 3rd Division ng Korte Suprema sa 4-0 at isang nag-inhibit para ilabas ang TRO.
Sina Associate justices Marvic Leonen, Jose Mendoza, Roberto Abad at Presbitero Velasco, Jr. ang bumoto pabor sa pagpapatigil ng pagdinig ng kaso.
Nag-inhibit naman si Associate Justice Diosdado Peralta dahil kabilang siya sa mga nagsakdal kay Estrada noong 2007.
Sina Dichaves at Estrada ang itinuturong may kinalaman sa pagbubukas ng bank account sa Equitable-PCI na nakatanggap ng P210 milyon mula sa mga government-owned corporations na bumili shares sa kompanyang Belle Corporation.