MANILA, Philippines - Nagdulot nang pagbigat sa daloy ng trapiko ang pagpoprotesta ng mga truck drivers at operators sa tapat ng opisina ng Department of Public Works and Highways sa Maynila ngayong Huwebes.
May 50 trak ang sumugod sa opisina ng DPWH sa Roxas Boulevard upang ireklamo ang umano'y panggigipit sa kanila.
Bilang protesta ay hinarangan nila ang naturang daanan saka bumusina ng sabay-sabay.
Inirereklamo ng Aduana Business Club Incorporated (ABCI) ang hindi pagsama sa kanila sa mga exempted sa kautusan laban sa mga overloaded na imported containers.
"Nag-adjust na kami. Hindi na namin ipinatupad strictly yung load limit sa computation," pahayag ni DPWH secretary Rogelio Singson sa DZMM.
"Dapat maintindihan nila na hindi pwedeng yung gusto nila ang parating masusunod," dagdag ng kalihim.