MANILA, Philippines - Walong katao ang sugatan matapos bumangga ang isang pampasaherong bus sa EDSA, Quezon City ngayong Miyerkules ng umaga.
Ayon sa Twitter account ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nawalan ng kontrol ang bus dahilan upang sumalpok ito sa isang concrete barrier sa kanto ng Aurora Avenue at EDSA.
Isinugod sa East Avenue Medical Center ang mga biktima upang gamutin.