^

Balita Ngayon

P100K para sa bawat 100-yr-old na Pinoy isinusulong

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Naghain ng panukala si Marikina City 1st District Rep. Marcelino Teodoro na naglalayong gawaran ng P100,000 ang bawat Pilipinong aabot sa edad na 100.

Sinabi ni Teodoro na sa House Bill 35 o “Centenarians Act of 2013” bukod sa perang ibibigay ay makakatanggap ang mga "centenarians" na nasa bansa o ibang bansa ng sulat ng pagbati mula sa Pangulo.

Layon din ng panukala na amyendahan ang Section 4 ng Republic Act 7432 o ang "An Act to Maximize the Contribution of Senior Citizens to Nation Building, Grant Benefits and Special Privileges and for Other Purposes."
Makakatanggap din ang bawat centenarian ng 50 porsiyentong diskwento at exemption sa value-added tax ng mga bilihin at serbisyo sa buong bansa.

Sinabi ni Teodoro na layunin ng panukala na bigyang pagkilala ang bawat sentenaryong Pilipino.

"As our nation's role model for living long, health and disciplined lives, centenarians should indeed be honored and respected accordingly by the younger generations, through the government's appropriate recognition and allocation of substantial pecuniary incentives," ani Teodoro.

Bukod sa perang matatanggap mula sa Pangulo, bibigyan din ang mga sentenaryo ng plaque of recognition at cash incentive mula sa lokal na pamahalaan sa pagdiriwang ng "National Respect for Centenarians Day," tuwing Setyembre 25.

Kinakailangan din bumuo ng national committee na pangungunahan ng Executive Secretary bilang Chairperson at mga kinatawan ng Departments of Interior and Local Government, Social Welfare and Development and Health,  at Executive Director of the Commission of Filipinos Overseas bilang miyembro na silang gagawa ng implementing rules and regulations.

Kukunin ang pondo para sa mga centenarians mula sa Department of Social Welfare and Development sa General Appropriations Act of 2013.

AN ACT

CENTENARIANS ACT

CENTENARIANS DAY

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

DISTRICT REP

EXECUTIVE DIRECTOR OF THE COMMISSION OF FILIPINOS OVERSEAS

EXECUTIVE SECRETARY

TEODORO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with