MANILA, Philippines – Pinayuhan ni Senator Miriam Defensor Santiago ang mga kapwa senador na itinuturong may kinalaman sa pork barrel scam na mag-leave muna habang gumugulong ang imbestigasyon.
Tinawag ng senadora ang limang senador bilang “persons of interest†matapos silang madawit sa isyu ng pagbubulsa ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel.
"Out of delicadeza, the five senators should go on leave, to erase any doubt that they might use their power or their money to pressure the investigators," sabi ni Santiago.
Ang limang senador na umano’y nangurakot ay sina:
Ramon Revilla, Jr. - P 1.017 bilyon
Juan Ponce Enrile - P 641.65 milyon
Jinggoy Estrada - P 585 milyon
Ferdinand Marcos Jr. - P 100 milyon
Gregorio Honasan - P 15 milyon
Hinimok naman ni Santiago si Pangulong Benigno Aquino III na magtalaga ng Public Prosecutor na siyang hahawak sa kaso ng mga opisyal ng gobyerno.
"This panel should be composed of three people who are beyond the reach of politicians. Accordingly, I humbly propose that the panel should be composed of retired Supreme Court justices, like Ameurfina Melencio Herrera and Flerida Ruth Romero," komento ni Santiago.
Pinabulaanan naman ni Revilla ang mga akusasyon sa kanya ay sinabing paninirang puri lamang ito upang masira ang oposisyon sa Senador maging ang kanyang planong pagtakbo sa 2016 elections.
"I have always been transparent and accountable. I have nothing to hide. Malinis ang aking konsensiya at nalulungkot ako na dahil sa pulitika ay sinisira ang pangalan kong napakatagal kong binuo at pinangalagaan," pahayag ni Revilla ngayong Lunes.
Nanawagan din si Revilla para sa malinis at patas na imbestigasyon sa kotrobersiya.
Handa naman makipagtulungan si Marcos sa imbestigason upang lumabas aniya ang katotohanan.
"I am eager to cooperate with any investigation, which will reveal the truth of this matter. I am also exploring the possibility that there may be a political angle to all this in light of the upcoming Presidential elections in 2016," sabi ni Marcos.
Naghain naman ng Senate Resolution Number 40 si Senator Francis Escudero kung saang inuutusan nito ang Senate blue ribbon committee na magsagawa ng imbestiasyon sa pork barrel scam kabilang ang Janet-Lim-Napoles group.
"Accountability and transparency in government dictates that this report must be quizzically looked into, not only for the representatives of the people to clarify their respective positions, if some may be involved, but to show to every Filipino as well that neither sacred cows nor the notion of an 'old boys club' exists in a government working for change" paliwanag ni Escudero sa kanyang resolusyon.
Samantala, pabor naman si Senador Franklin Drilon na tanggalin na ang PDAF.
"Taun-taon na lang iyan yung pinanggagalingan ng reklamo ng taumbayan. Ngunit, bigyan ko ng diin, na hindi naman lahat na pinaggagamitan ng PDAF ay masama. The reality is, there would be some who legitimately need PDAF," pahayag ni Senator Franklin Drilon sa isang panayam sa kanya na naka-post sa website ng Senado.
Sinabi ni Drilon na kung hindi man matatanggal ang PDAF ay dapat malimitahan ang paggamit dito.
"I think, the reality is let us limit the use of the PDAF to certain activities. Halimbawa, pwede lang gamitin ang PDAF for medical purposes o para sa edukasyon," ani ng Senador na napipisil maging susunod na Senate President.
"Kung hindi natin ma-abolish ang PDAF, i-limit natin sa kung saan lang pwedeng gamiting like sa government hospitals, classrooms. Halimbawa, sa bawat distrito ng congressmen, mayroon namang district hospitals, pwedeng ilagay doon dahil marami naman talagang humihingi," dagdag ni Drilon.